Mananatiling normal ang operasyon ng NCRPO o National Capital Region Police Office tulad na lang ng kanilang ginagawa tuwing may malalaking okasyon.
Ito ang pagtitiyak ni NCRPO Chief Dir. Oscar Albayalde sa kabila ng bantang pag-atake ng mga miyembro ng Partido Komunista ng Pilipinas – Bagong Hukbong Bayan bilang pagtutol sa pagpapalawig ng martial law sa Mindanao.
Ayon kay Albayalde, wala silang nakikitang anumang banta ng terorismo lalo na sa papalapit na ikalawang SONA o State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 24.
Una nang inihayag ng NCRPO na tinatayang nasa 6300 pulis ang kanilang ipakakalat sa mismong araw ng SONA na mas mataas kumpara sa 4000 na kanilang ipinakalat nuong isang taon.
By: Jaymark Dagala
NCRPO walang nakikitang banta sa seguridad ng bansa sa mismong araw ng SONA was last modified: July 19th, 2017 by DWIZ 882