Walang namomonitor na anumang bantang panseguridad ang mga otoridad kaugnay sa nakatakdang pagdaraos ng 31st Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit and related meetings sa susunod na buwan.
Sa kabila nito, sinabi ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde na nakahanda ang pamahalaan sa anumang pwersa na nagbabalak na maghasik ng karahasan.
Sinabi ni Albayalde na nasa mahigit tatlumpu’t tatlong libong uniformed personnel ang naatasang tiyaking magiging mapayapa ang pagdaraos ng ASEAN Summit sa bansa.