Isinusulong ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) ang anito’y integrated database ng health profiles at skill sets ng senior citizens.
Ayon kay NCSC Chairperson Atty. Franklin Quijano, ito ay para mas mabilis na matugunan ng gobyerno at iba pang ahensya ang pangangailangan ng senior citizens sa bansa, bilang bahagi na rin ng 2021 Elderly Filipino Week.
Oktubre 4, nang malagdaan ang Implementing Rules and Guidelines ng Republic Act 11350 o IRR, batas na nagtatatag sa NCSC.
Sinabi ni Quijano na ang database ng health profiles ng senior citizens ay maaaring ibahagi hindi lamang sa national government kundi maging sa ibat ibang grupo ng senior citizens, mga organisasyon at financial institutions.