Umaasa ang National Democratic Front (NDF) na maiuuwi sa Pilipinas ang labi ni NDF Chief Negotiator Fidel Agcaoili dahil dito ang nais ng kanyang pamilya.
Sa kanyang facebook post, inianunsyo ni NDF founding Chairman Jose Maria Sison ang pagpanaw ni Agcaoili sa Netherlands dahil sa massive bleeding na sanhi ng pulmonary arterial rapture.
76 na taong gulang na sana si Agcaoili sa kanyang kaarawan sa August 8.
Co-founder si Agcaoili ng Communist Party of the Philippines (CPP) at nagsilbing peace negotiator simula pa noong sinimulan ang pakikipag-usap ng komunistang grupo sa pamahalaan.