Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Democratic Front founder Jose Maria Sison.
Nayayabangan ang pangulo sa grupo ni Sison na nagkukunyari lang naman aniyang mga maimpluwensya at malalakas ngunit ang katotohanan ay di man lang aniya maka-kontrol ang mga ito ng kahit isang barangay.
Sa huli, nanindigan ang Pangulong Duterte na hindi pagagapi ang pwersa ng gobyerno sa naturang komunistang grupo.
Matatandaang umasim ang relasyon ng Pangulo at Sison nang magpatuloy ang pag-atakeng NPA sa tropa ng pamahalaan na ikinasawi ng isang CAFGU sa kabila ng idineklarang unilateral ceasefire ng punong ehekutibo.
By Ralph Obina