Uubra nang umuwi sa bansa si NDF Founding Chairman Jose Maria Sison nang hindi ito a arestuhin ng mga otoridad.
Tiniyak ito ng Malakaniyang sa sandaling magsimula na ang Peace talks sa pagitan ng gobyerno at NDFP.
Subalit sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na dapat munang hintayin ang magiging kasagutan ng rebeldeng grupo.
Kasabay nito ipinabatid ni Roque na hindi babawiin ng pamahalaan ang petisyon sa korte na ideklarang teroristang grupo ang CPP NPA hanggat hini naseselyuhan ang isang peace agreement.
Samantala inatasan ng Pangulong Rodrigo Duterte si dating Congressman Hernani Braganza, miyembro ng GRP panel na makipag usap sa CPP NPA.