Hinamon ni Senador Bam Aquino ang National Democratic Front na isuko ang mga miyembro ng New People’s Army na responsable sa pagpatay sa ilang sundalo sa Bukidnon kung nais pa raw nila na magpatuloy ang negosasyong pangkapayapaan.
Giit ni Aquino, dapat in good faith ang magkabilang panig sakaling magpasya na muling bumalik sa negotiating table.
Sa ganitong paraan lang, aniya, maaring matamo ang matagal nang hangaring magwakas na ang armadong labanan.
Sa gayon, magkakaroon, aniya, ng tunay na kapayapaan na siyang susi para matamo ang kaunlaran.
By: Avee Devierte / Cely Bueno