Naniniwala si Defense Secretary Delfin Lorenzana na hindi na makontrol ng National Democratic Front (NDF) ang kanilang armadong grupo na New People’s Army o NPA.
Patunay, aniya, nito ang patuloy na pagdukot, pagpatay, panununog, at pangingikil ng mga rebeldeng komunista kahit pa umuusad noon ang usapang pangkapayaan at umiiral ang unilateral ceasefire ng magkabilang panig.
Ayon kay Lorenzana, posibleng mangyari muli ito ngayong muling binubuhay ang peace talks.
Sinabi rin ni Lorenzana, napansin na ng mga kinatawan ng pamahalaan na dati nang iniiwasan ng mga lider ng National Democratic Front na pag-usapan ang bilateral ceasefire.
Aniya, nangangamba marahil ang komunistang grupo na baka hindi nila mapanindigan ang bilateral ceasefire dahil hindi ba nila makontrol ang mga tauhan nila sa ground.
By Avee Devierte |With Report from Jonathan Andal