Humirit pa ng sapat na panahon ang CPP-NPA-NDF para makapagpatupad muli ng unilateral ceasefire.
Sa harap ito ng matagumpay na backchanneling talks sa pagitan ng peace panels ng gobyerno at ng komunistang grupo sa Norway.
Ayon kay Presidential Peace Adviser Jesus Dureza, kinakailangan pang maibaba ang naturang kautusan sa kanilang mga miyembro sa field.
“Nakiusap ang liderato ng CPP-NPA-NDF na bigyan sila ng tamang panahon na maibaba yung command o yung instruction at guidance na magkakaroon ulit ng unilateral ceasefire. Aminado naman sila na hindi kagaya ng ng Armed Forces of the Philippines na yung ating command and control structure is very strict kapag sinabi ng Pangulo ngayon immediately down the chain of command natatanggap na, tumatalima lahat, alam naman natin na hindi ganyan ang operation sa CPP-NPA-NDF, may kanya-kanya silang grupo.” Ani Dureza
Ipinaliwanag ni Dureza na bagamat napagkasunduan na ng gobyerno ng Pilipinas at mga pinuno ng CPP-NPA-NDF na magkaroon ng bilateral ceasefire, pag-uusapan pa aniya ito sa ika-apat na round ng peace talks na mangyayari sa unang linggo ng Abril sa Norway.
Ito ay para matukoy kung paano ang mga gagawing hakbang sa pagpapatupad ng tigil-putukan.
“It is expected na kung may bilateral ceasefire na tayo may guidelines in case of violations. Kagaya nung sa Bangsamoro natin, MILF kapag may violations sa ceasefire pumapasok ang international monitoring team para pahintuin ang bakbakan, wala pa tayo niyan sa CPP-NPA-NDF, pag-uusapan pa yan.” Pahayag ni Dureza
By Ralph Obina | Ratsada Balita (Interview)