Kumpinyansa ang NDF o National Democratic Front panel sa magiging resulta ng gaganaping ika-limang yugto ng usapang pangkapayapaan sa Agosto.
Ayon kay NDF Consultant at Vice Chairperson on Reciprocal Working Committee on Social and Economic Reforms Alan Jazmines, kanilang itinuturing ang 5th round ng peace talks na isang welcome development.
Subalit, aniya, nagdadalawang isip sila matapos ang pahayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na dapat ikunsidera ng government peace panel ang pagkalas sa peacetalks sakaling hindi pumayag ang NDF sa bilateral ceasefire.
Iginiit rin ni Jazmines na sa halip na pagdudahan ang kanilang senseridad ay dapat nang umpisahan ang pagtalakay sa socio economic reforms.
By Krista De Dios | With Report from Aya Yupangco