Malamig ang National Democratic Front (NDF) sa kondisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte na tigilan na komunistang grupo pangongolekta ng revolutionary taxes.
Ayon kay NDF Peace Negotiator Rey Casambre, ang naturang kondisyon ng Pangulo ay pag-uusapan pa sa nakatakdang pagbabalik ng peace talks sa Abril.
Pero ipinaliwanag ni Casambre na ang revolutionary taxes na kanilang kinokolekta ay gaya rin sa buwis na ipinapataw ng pamahalaan.
Kinakailangan aniya ito upang mabigyan ng serbisyo ang mga taong nasa kanilang teritoryo.
Samantala, ipinabatid ni Casambre na inaasahang magdeklara na ng unilateral ceasefire ang New People’s Army (NPA) sa mga susunod na araw.
By Ralph Obina