Nababahala na ang NDF o National Democratic Front sa mga banta sa buhay at bantang pagdukot sa kanilang mga consultants.
Sinabi ni NDF Panel Chair Fidel Agcaoili, na ang surveillance at pag – aresto sa mga consultant ay paglabag sa JASIG o Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantee na kasama ng peacetalks.
Inihalimbawa ni Agcaoili ang kaso ng iligal na pag – aresto kay Rommel Salinas na inaresto sa isang police check point sa Ozamis City.
Kaugnay nito ay hinamon niya ang panel ng pamahalaan na imbestigahan ang mga sumbong ng kanilang consultants dahil maaring maka-apekto sa peacetalks ang patuloy na pagdukot at ang pagkakaroon ng bansa sa buhay ng mga ito.
By Katrina Valle | With Report from Aya Yupangco