Nanindigan ang negotiating panel ng National Democratic Front o NDF na hindi paglabag sa Geneva Convention ang patuloy na paggamit ng landmine ng New People’s Army.
Ito ang inihayag ni NDF Peace Panel Chairman Luis Jalandoni kaugnay sa banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibabasura ang usapang pangkapayapaan kung may mamamatay o masusugatan dahil sa landmine.
Gayunman, iginiit ni Jalandoni na maaaring gamitin ng NPA ang mga naturang pampasabog bilang armas laban sa mga sundalo lalo’t wala pang epektibong ceasefire sa pagitan ng Armed Forces of the Philippines at NDF.
Umaasa rin anya sila na mapagbibigyan ng gobyerno ang pansamantalang paglaya ng mga NDF consultant upang makadalo sa pagpapatuloy ng formal peace talks simula August 20 hanggang 27 sa Oslo, Norway.
By Drew Nacino
Photo Credit: ndfp.org