Nabababawan ang National Democratic Front of the Philippines o NDFP sa dahilan ng Pangulong Rodrigo Duterte para kanselahin ang peace talks sa pagitan ng pamahalaan at ng kanilang grupo.
Ito ay matapos ihayag ng Pangulo na suspendido ang usapang pangkapayapaan hanggat hindi itinitigil New People’s Army ang kanilang mga opensiba laban sa gobyerno.
Binigyang diin ni NDFP Peace Panel Chair Fidel Agcaoili, nananatiling committed ang kanilang hanay sa pagsusulong ng peace process sa kabila ng mga nangyayari.
Iginiit nitong hindi naman sila umaatras sa peace talks kahit pa inaatake rin ng tropa ng militar ang mga rebelde.
By Ralph Obina
NDFP: Dahilan sa pagkansela ng peace talks mababaw was last modified: July 21st, 2017 by DWIZ 882