Nananatiling kampante ang NDFP-CPP-NPA na magiging mabunga ang pagpapatuloy ng usapang pang-kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at rebeldeng grupo sa susunod na linggo sa Norway.
Ayon kay NDFP legal consultant, Atty. Edre Olalia, nagkasundo na ang dalawang panig hinggil sa issue ng pagpapalaya sa mga political detainee.
Mula anya sa 400 ay binawasan na ang bilang ng mga political detainee na dapat palayain.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay NDFP Legal consultant Atty. Edre Olalia
Samantala, aminado si Olalia na hindi niya matitiyak na matitigil ang bakbakan lalo’t wala pang linaw kung ano ang kahihinatnan ng isinusulong na Unilateral Ceasefire.
Pakingan: Bahagi ng panayam kay NDFP Legal consultant Atty. Edre Olalia
By: Drew Nacino