Nirerespeto ng NDFP o National Democratic Front of the Philippines ang pagtanggal sa SOMO o Suspension of Offensive Military Operations at SOPO o Suspension of Offensive Operations.
Ipinaliwanag ng NDFP na nilabag ng AFP, PNP at ibang paramilitary forces ang SOPO at SOMO kung saan kanilang sinuyod ang ibat-ibang komunidad, mga paaralan, day care center at iba pang mga pampublikong lugar tulad ng mga plaza, basketball court at bus stop at maging mga private residences.
Dito ay nagsagawa ng harassment at random interrogation sa mga pinaghihinalaang mga kamag-anak ng mga nasa npa o mga hinihinlalang sumusuporta rito
Gayunpaman, umaasa ang NDFP na magpapatuloy at mapagtatagumpayan ang peacetalks, kasabay ng pag-apruba ng magkabilang panig sa komprehensibong kasunduan sa socio-economic, political at constitutional reforms na kasalukuyang pinag-uusapan.
By Meann Tanbio