Naniniwala si National Democratic Front of the Philippines o NDFP Chief Peace Negotiator Luis Jalandoni na hindi pa pinal at posibleng magbago pa ang isip ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng desisyon ng Pangulo na kanselahin na ang peacetalks sa pagitan ng pamahalaan at CPP-NPA-NDF.
Ayon kay Jalandoni, batay sa kanyang mga karanasan, may mga posibilidad na magbago pa ang posisyon ng isang Pangulo kaugnay sa peace talks
Tulad aniya nila dating Pangulong Joseph Estrada at Gloria Macapagal Arroyo na sa huli ay nagbago pa ang mga isip.
Gayunman, sinabi ni Jalandoni na kailangang maging handa ang Pangulo na tanggapin ang responsibilidad sa biglaang pag-abandona sa peace talks kung kailan nagkaroon na ng pag-usad sa usapin ng repormang agrikultura at ekonomiya.
Naniniwala rin si Jalandoni na magdedeklara pa rin ng ceasefire ang NDFP ngayong kapaskuhan kahit pa tuluyan nang itinigil ang usapang pangkapayapaan para sa kapakanan ng mga mamamayan.
—-