Umaapela ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa ibang bansa na magsalita laban sa anito’y ‘misdesignation’ ng Duterte administration sa Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) bilang terror groups sa pamamagitan ng anti-terrorism council.
Binigyang diin ng NDFP na ang armadong pakikibaka ng mga Pilipino ay kinikilala ng domestic at foreign groups bilang lehitimong pag-aaklas laban sa mapanupil na hakbangin.
Partikular na tinatawagan ng NDFP na kumontra sa pag-tag ng Duterte goverment bilang terror group sa CPP-NPA ang mga bansang Amerika, European Union, New Zealand, Australia at United Kingdom.
Ayon sa NDFP, ang pagbura sa CPP-NPA mula sa terror list ng mga dayuhang bansa ay makatutulong sa mga Pilipino at human rights advocate para ilalaglag ang fascist dictatorship na pinaiiral ng gobyernong Duterte at para na rin maitakda ang mga kondisyon para sa muling pagbubukas ng peace talks sa pagitan ng pamahalaan at NDFP.