Inactivate ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang National Disaster Operation Center (NDOC) sa command center sa Camp Crame.
Ayon kay PNP Officer In Charge, Pol. Lt. Gen. Vicente Danao, Jr. ito ang tutulong sa pakikipag-ugnayan sa lahat ng disaster response operations ng ahensya sa mga apektadong lugar.
Tiniyak ni Gen. Danao, ang 100% availability ng mga kagamitan maging ng mga Police Regional Offices (PRO) sa Cordillera, Ilocos – Pangasinan Region, at Cagayan Valley Region para sa disaster response operations.
Bukod pa dito, binuo din ni Danao ang Sub-Committee on Natural Disaster (SCND) ng PNP at muling ibinalik ang mga Regional Disaster Incident Management Task Groups (DIMTG) sa PRO 1, 2, at Cordillera.
Sa ngayon, inilagay na sa alert status ang lahat ng national support units para sa mga rehiyong apektado ng lindol.