Dinagdagan na ng Department of Budget and Management ang National Disaster Risk Reduction and Management Fund sa proposed 2023 National Budget.
Ito’y upang magkaroon ng improvement sa kahandaan at pagtugon ng bansa tuwing may kalamidad.
Itinaas ng DBM sa P31-B ang pondo sa 2023 Proposed National Budget mula sa kasalukuyang P20-B.
Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Bongbong Marcos gawing proactive ang ekonomiya, kabilang ang pagpapatatag sa kapasidad ng bansa na humarap sa mga kalamidad, gaya ng bagyo.
Ipinunto ng Kagawaran na bagaman walang sinumang makapagsasabi kung gaano kalakas ang isang bagyo o lindol maging ang lawak ng epekto ng anumang kalamidad, mas maigi na anilang laging handa.