Umabot na sa 180 pamilya ang inilikas sa Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region (CAR) bunsod ng bagyong Florita.
Batay sa ulat ng national disaster risk reduction and Management Council (NDRRMC) na 110 pamilya ang inilikas mula sa CAR habang pitumpung pamilya naman ang mula sa Cagayan Valley.
Kanselado na rin ang mga klase sa lungsod ng CAR, Ilocos region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Bicol.
Suspendido naman ang trabaho sa ilang siyudad at munisipalidad sa Ilocos region at Cagayan.
Naiulat din ang tatlong rain-induced landslides sa Ilocos region at Bicol region habang dalawang insidente ng pagbaha naman ang naitala sa Ilocos region. – sa panulat ni Hannah Oledan