Umakyat na sa tatlo (3) ang kumpirmadong nasawi sa pananalasa ng bagyong Nina.
Ayon kay Mina Marasigan, tagapagsalita ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), dalawa sa tatlong nasawi ay mula sa Mulanay, Quezon at ang isa ay mula sa Tingloy, Batangas.
Patuloy pang biniberipika ang sampung (10) iba pang naiulat na nasawi.
By Katrina Valle