Dismayado ang N.D.R.R.M.C. sa mga nagrereklamo sa mga ipinadala nilang emergency alert text message sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Maring.
Ayon kay N.D.R.R.M.C. Spokesperson Romina Marasigan, may mga natanggap silang mensahe sa e-mail at social media na pinagmumura sila dahil istorbo umano ang mga ipinadadalang text message.
Iginiit ni Marasigan na naaayon sa batas ang hakbang nilang ito at mandato ng N.D.R.R.M.C. na magbigay babala sa publiko tuwing may paparating na kalamidad.
Bagaman istorbo ang turing ng ilan sa mga emergency alert message, balang araw anya makikita rin ang kahalagahan ng mga ito.
Ulat ni Jonathan Andal
SMW: RPE