Nakatakdang maglunsad ng mga aktibidad online ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) at Department of Health (DOH).
Ito’y bilang bahagi ng paggunita ng National Disaster Resilience ngayong buwan na may temang “Sama-Samang Pagsulong Tungo sa Katatagan sa Gitna ng Bagong Normal”.
Batay sa Executive Order No. 29 na inilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-28 ng Hunyo ng taong 2017, mandato na iobserba ang National Disaster Resilience Month sa buong bansa tuwing Hulyo na naglalayong paigtingin ang katatagan ng mga Pilipino sa sakuna.
Layunin din nito na ibaling ang pansin ng mga Pilipino mula sa disaster awareness tungo sa disaster resilience.