Kasado na ang preparasyon ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction Management Council para sa inaasahang pagbayo ng bagyong Karen.
Ayon kay NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad, pinakilos na ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang mga local government units para i-activate ang kanilang monitoring at response systems.
Kabilang sa mga inaasahang tatamaan ng bagyong Karen ang Catanduanes, Aurora province gayundin ang southern Quezon, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon at northern Samar.
Bahagi ng pahayag ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad
Permanent evacuation centers
Samantala, sisimulan na ngayong taon ang konstruksyon ng mga permanenteng evacuation centers.
Ayon kay Jalad ng National Disaster Risk Reduction Management Council, may mga inaayos na lang ilang requirements bago simulan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang konstruksyon.
Bahagi ng pahayag ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad
By Len Aguirre | Balitang Todong Lakas