Handa na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa posibleng epekto ng Bagyong Dodong.
Ayon sa NDRRMC, nagsagawa na sila ng pre-disaster risk assessment tulad ng pakikipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan.
Pinaalalahanan ng NDRRMC ang mga LGU na bantayan ang kanilang nasasakupan lalo na ang mga mabababang lugar.
Una nang humina ang Bagyong Dodong ngunit patuloy nitong hinihila ang habagat na nagpapaulan naman sa Luzon kabilang ang Metro Manila at Visayas.