Mahigit 100,000 pamilya ang inilakas dahil sa pananalasa ng bagyong Nona.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Spokesperson Mina Marasigan na karamihan sa mga ito ay mula sa lalawigan ng Albay, Sorsogon, Samar, at Camarines Sur.
Ayon kay Marasigan, bago pa lamang nanalasa ang bagyong Nona ay nailikas na ang mga naturang pamilya.
“Meron ding ilang mga areas dito sa lungsod ng Samar na pre-emptively nag-evacuate, meron din tayong naitala pa during dahil nakakaranas na ng manaka-nakang pag-uulan na nag-evacuate na rin.” Pahayag ni Marasigan.
By Jelbert Perdez | Ratsada Balita