Naka-blue alert na ang NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council bilang paghahanda sa inaasahang pagtama ng Bagyong Falcon sa kalupaan ng Northern Luzon, bukas ng hapon o gabi.
Sa ilalim ng blue alert status, 50 porsyento ng mga tauhan ng NDRRMC ang kinakailangang nakaposisyon na at inaatasang magsawa na ng paghahanda.
Una rito, pinangunahan rin nina NDRRMC Executive Director Undersecretary Ricardo Jalad at Health Undersecretary Eric Domingo ang pre-disaster risk assessment meeting kasama ang iba pang mga kinakauukulang ahensiya kahapon.
Pagtitiyak ng NDRRMC, naka prepositioned na ang mga family food packs, emergency funds at food and non food items na nagkakahalaga ng 1.98 million pesos mula sa DSWD o Department of Social Welfare and Development.
Habang nakipag-unayan na rin ang Department of Interior and Local Government sa kanilang mga regional offices para sa mga kinakailangang paghahanda sa mga landslide prone areas batas sa impormasyon mula sa Mines Geosciences Bureau at PAGASA.