Nagtaas na rin ng alerto ang NDRRMC o National Disaster Risk Reduction Management Council, bagamat hindi magla-landfall ang bagyong Hanna.
Alas-8:00 ng umaga kahapon ay nagtaas na sa blue alert status ang naddrmc kasabay nang pagpasok sa PAR o Philippine Area of Responsibility ng bagyong Hanna.
Sinabi ni NDRRMC Executive Director Alexander Pama na ang pagtaas nila ng alert level ay para maging handa ang mga tauhan nila sa itinuturing na pinakamalakas na bagyo sa buong mundo ngayong taon.
Dahil dito, tiniyak ni Pama ang mahigpit na monitoring sa galaw ng bagyong Hanna.
Ipinag-utos na ni Pama sa kanilang regional offices namaging alerto at ikasa ang kaukulang precautionary measures tulad ng preemptive evacuation kung kinakailangan.
By Judith Larino