Pinapayuhan ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council ang publiko na huwag nang bumiyahe ngayong weekend o ilang araw na lamang bago magpasko.
Ayon iyan kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan ay dahil sa weekend partikular na ngayong Biyernes papasok sa Philippine Area of Responsibility ang isa pang bagyo na binabantayan ng PAGASA.
Dahil dito, pinayuhan ni Marasigan ang publiko na kung maaari lamang na ngayon na bumiyahe habang maganda pa ang lagay ng panahon dahil tiyak na magsususpinde ng mga biyahe sa pantalan ngayong darating na weekend.
Nagbabala rin ang NDRRMC sa muling pagguho ng lupa at bahain ang mga lugar na sinalanta ng nagdaang bagyong Urduja dahil posibleng tahakin din ng bagyong bagyo ang dinaanan ng naunang weather disturbance.