Dapat samantalahin ng mga Pilipino ang panahong nasa ilalim ng community quarantine ang bansa upang mapaghandaan ang mga sakunang paparating.
Ito ang binigyang diin ni PHIVOLCS Officer-in-Charge at DOST Usec. Renato Solidum kasunod ng inilargang virtual nationwide simultaneous earthquake drill kamakalawa.
Kasunod nito, humingi ng paumanhin ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) dahil sa pahinto-hintong live streaming nito sa mismong araw ng earthquake drill.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, hindi nasilayan ng publiko ang virtual na pagpindot sa mga earthquake button dahil sa mahinang internet connection.
Gayunman, nangako ang NDRRMC na pagbubutihin pa nila ang kanilang koneksyon sa mga susunod na earthquake drill habang sumusunod din sila sa pangangailangan ng panahon nagyong may COVID-19 pandemic.