Nagbabala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council sa publiko at local disaster councils na mas maraming pag-ulan na mararanasan dahil sa Southwest Monsoon o Habagat.
Kaugnay nito, sinabi ng pagasa na magpapatuloy ang mga pag-ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa hanggang Biyernes.
Bukod dito, inihayag rin ng state weather bureau na magpapatuloy ang nararanasang mild La Niña.
Ayon pa sa ahensya, 480 barangay ang apektado ng habagat na pinalakas ni Bagyong Fabian na nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility.
Halos 244 barangay naman ang binaha, apat na insidente sa dagat, tatlong insidente ng storm surge, rockslide, sinkhole; at may naiulat rin na mudflow sa walong rehiyon. —sa panulat ni Hya Ludivico