Pinulong na ng NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno na miyembro ng pre-disaster risk assessment core group.
Ito’y bilang paghahanda sa bagyong nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility o PAR na inaasahang papasok ngayong araw at tatawaging bagyong Lannie.
Kabilang sa pagpupulong sa NDRRMC ang mga kinatawan ng DOST-PAGASA, PNP, AFP, DSWD, DOH, DPWH at iba pa.
Ayon naman sa PAGASA, ang nararanasang pag-ulan ngayon sa Metro Manila, MIMAROPA at Visayas ay dulot ng LPA o Low Pressure Area na nasa hilaga ng eastern Samar.
Photo Credit: NDRRMC
—-