Naghahanda na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa posibleng epekto ng dalawang bagyo na nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni NDRRMC Spokesperson at ASec. Bernardo Alejandro IV, na pinaghahanda na nila ang mga local na pamahalaan ng Batanes at extreme northern part ng Cagayan dahil sa inaasahang epekto ng bagyong Gardo, bagyong Henri at hanging habagat.
Sinabi pa ni Alejandro na napalabas na sila ng mga listahan ng barangay na kanilang tinututukan partikular na yung mga nasa vulnerable areas kabilang na ang Region 1 at CAR.
Samantala, siniguro naman ni Alejandro na nakahanda narin ang mga tulong sa mga maaapektuhan ng bagyo katuwang ang DSWD.