Nagpaalala ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa mga lugar na posibleng maapektuhan ng sama ng panahon.
Batay sa ulat ng PAGASA, inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) partikular sa Mindanao ang low pressure area sa loob ng 12 oras.
Kung ito’y magiging bagyo, tatawagin itong Rosal.
Dahil dito, inatasan ng NDRRMC ang Local Disaster Risk Reduction and Management Office para mayroong paglikasan ang mga maaapektuhang indibidwal.
Nag-abiso naman ang ndrrmc sa publiko na mag ingat, bantayan ang lagay ng panahon at makinig sa abiso ng mga awtoridad.