Umapela ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC sa publiko na huwag maniwala sa kumakalat sa social media hinggil sa isa pang malakas na lindol matapos ang magnitude 6.6 na lindol na tumama sa Tulunan, North Cotabato noong Lunes.
Nakiusap din ang NDRRMC sa taumbayan na huwag na ring ipasa pa ang naturang impormasyon.
Para sa mga beripikadong impormasyon, hinimok ng NDRRMC ang publiko na bisitahin ang kanilang website ndrrmc.gov.ph at ang official facebook page ng Office of Civil Defense o OCD na civil defense ph.