Itinaas na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa blue code ang alert warning dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan at hangin dulot ng habagat na pinalakas pa ng bagyong Butchoy.
Mahigpit na nakatutok ang NDRRMC sa mga sitwasyon sa mga lalawigan ng Pangasinan, Bataan, Mindoro at Panay Island.
Minomonitor din ng NDRRMC ang mga landslide at flood prone areas sa Metro Manila.
Kaugnay nito, tiniyak ng NDRRMC ang paghahanda ng relief goods.
Ang blue alert ay nangangahulugang pinaghahanda ang lahat ng local disaster groups mula provincial, municipal at barangay levels sa kani-kanilang lugar sa kasagsagan ng matinding pag-ulan.
By Judith Larino