Naka-blue alert na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC dahil sa bagyong Odette.
Ibig sabihin nito 24-oras nang nakabantay ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para makapagbigay ng agarang aksyon sa maaapektuhan ng bagyo.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, nagsagawa na sila ng emergency response preparedness meeting para sa bagyo.
Pinapayuhan nila ang publiko na sumunod sa mga awtoridad, maging alerto at magmonitor sa updates ng bagyo sa telebisyon radyo at social media.
Hinihikayat din ni Marasigan ang lahat na manatili muna sa mga bahay at ipagpaliban muna ang mga tourist activities sa northern Luzon.
Sa ngayon mayroon nang mga tulay sa Cagayan Valley at Isabela ang hindi madaanan matapos abutin ng ilog.
Samantala ayon naman sa o National Grid Corporation of the Philippines o NGCP walang kuyente ngayon ang ilang bahagi ng Ilocos Sur dahil pa rin sa bagyong Odette.
—-