Inalerto at nakikipag-ugnayan na ang NDRRMC o National Disaster Risk Reduction and Management Council sa kanilang mga lokal na tanggapan sa mga rehiyong direktang maapektuhan ng bagyong ‘Kiko’.
Ayon sa NDRRMC, posibleng makaranas ng malakas na hangin at pag – ulan ang Ilocos Norte, Apayao, Batanes at Babuyan Group of Islands.
Inatasan din ng NDRRMC ang mga tauhan nito sa Luzon na agad magsagawa ng pre – emptive evacuation kung kinakailangan.
Sa ngayon patuloy na naka-monitor ang ahensya sa mga lugar na nakararanas ng epekto ng bagyong ‘Kiko’.
Ilang domestic flights kanselado
Kanselado ang ilang domestic flights ngayong araw na ito, Setyembre 5.
Dahil dito sa mga pag-ulang dala ng bagyong ‘Kiko’.
Kabilang sa mga kanseladong flights ay PAL Express mula Maynila patungo ng Tuguegarao at vice versa.
Pinayuhan ng NAIA management ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan kaagad sa PAL Express para sa rebooking ng kanilang flights.