Naka-blue alert na ngayon ang National Disaster Risk reduction and Management Council o NDRRMC para sa bagyong Marilyn na nasa loob pa ng Philippine Area of Responsibility o PAR kahit na inaasahang hindi ito magla-landfall.
Ibig sabihin ng blue alert, nakaantabay ang kalahati ng puwersa ng NDRRMC ng 24 oras sa galaw at posibleng epekto ng naturang bagyo.
Tiniyak naman ng NDRRMC na naipaparating sa kanilang mga lokal na tanggapan ang lahat ng mga impormasyon kaugnay ng masamang panahon.
Makakaagapay ng NDRRMC ang Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines at Bureau of Fire Protection at Department of Health sa paghahanda sa posibleng pananalasa ng bagyo.
By Jelbert Perdez | Jonathan Andal