Naka-blue alert na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC dahil sa bagyong Kabayan.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan, inatasan na nila ang lahat ng kanilang personnel na maghanda sa anumang epekto ng bagyo.
Patuloy anya ang kanilang pagbibigay ng mga impormasyon sa mga local council upang maabisuhan ang mga lokal na gobyerno hinggil sa pagpapatupad ng preventive evacuation at pag-preposition ng relief goods.
Kabilang sa tinututukan ng NDRRMC ang mga lalawigan sa Central Luzon partikular ang Aurora at Isabela na kadalasang unang tinatamaan ng bagyo.
By Rianne Briones