Naka blue alert na ngayon ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC para sa bagyong Salome.
Ibig sabihin nito 24-oras nang nakabantay ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno para makapagbigay ng agarang aksyon sa maapektuhan ng bagyo.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, pinapayuhan nila ang publiko na sumunod sa mga otoridad, maging alerto at magmonitor sa updates ng bagyo sa telebisyon radyo at social media.
Inaabisuhan din ng NDRRMC ang publiko na nasa signal number 1, CALABARZON at Central Luzon na maging alerto sa posibleng flashfloods at landslides.
Delikado rin anyang maglayag sa mga karagatan na nasa ilalim ng signal number 1.
Sa ngayon nakataas na lamang ang signal number 1 sa Cavite, Batangas, Bataan, at Zambales.
Inaasahang lalabas ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang bagyong Salome bukas ng umaga.
—-