Naka blue alert ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) kaugnay sa pag monitor sa mga epekto ng Typhoon Kammuri.
Kaugnay nito, ipinabatid ni NDRRMC executive director Ricardo Jalad na binuhay nila ang emergency operations centers sa Regions 1, 2, 3, Cordillera Administrative Region (CAR) at Region 5.
Sinabi ni Jalad na kailangang palakasin ang paghahanda sa national, regional, at local government levels at pinapayuhan aniya nila ang mga apektadong residente na mag ingat at asahan ang pre-emptive evacuations.
Kapag pumasok na sa bansa , ang bagyong Kammuri ay tatawaging bagyong Tisoy.