Itinaas na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang red alert status dahil sa bagyong Odette.
Inihayag ni NDRRMC Executive Director Ricardo Jalad na virtually connected na ang lahat ng Regional Disaster Risk Reduction Management Office (RDRRMO) sa operations center ng ahensya sa Camp Aguinaldo.
Ayon kay Jalad, pitong rehiyon na ang itinuturing na nasa high risk dahil sa posibleng epekto ng bagyo.
Ang mga ito ay ang mimaropa, Western Visayas, Central Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao, SOCCSKSARGEN at CARAGA.
Nasa “medium risk” naman ang Ilocos Region, Cagayan Valley, CALABARZON, Bicol, Zamboanga Peninsula, Davao at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.