Naka-red alert na ang National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC dahil sa bagyong Urduja.
Ibig sabihin nito 24 oras nang nakabantay ang buong pwersa ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno para tulungan ang mga residenteng maaapektuhan ng bagyo.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Romina Marasigan, wala pang ipinatutupad na forced evacuatoon sa mga lugar na hinahagupit ng bagyo.
Pero may mga pamilya na aniyang inilikas na sa probinsya ng Samar dahil sa pagbaha.
Nakahanda na aniya ngayon ang mga food packs na ipapamahagi ng Department of Social Welfare and Development o DSWD para sa mga apektado ng bagyo sa Samar.
Sa datos naman ng Philippine Coast Guard o PCG, nasa mahigit 8,000 na ang mga pasahero na stranded sa iba’t-ibang pantalan sa bansa.
—-