Nakaantabay na ang emergency response team ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa lugar na inaasahang matinding maaapektuhan ng bagyong Tisoy.
Ayon kay NDRRMC Spokesperson Mark Timbal, maliban sa posibilidad ng pagbaha, mahigpit ding tinututukan ng mines and geosciences bureau ang pagguho ng lupa na maaaring makabara sa mga kalsada at makapag-aantala sa pagdadala ng tulong.
Pinaalalahanan na rin ng NDRRMC ang kanilang tanggapan sa Bicol Region na agapan hangga’t maaga ang paglambot ng lupa.
Pinapayuhan naman ni NDRRMC Executive Director at Undersecreatry Ricardo Jalad ang publiko na manatiling naka antabay sa abiso ng kanilang mga lokal na disaster risk reduction and management offices para sa kaukulang hakbang.
Dapat seryosohin natin itong panganib na dulot nitong si (bagyong) Tisoy, yung mga nandyan sa coastal areas ay kailangan ilikas dahil tataas ang tubig dyan magkakaroon ng storm surge, ‘yan ang nakikita ng PAGASA,” ani Jalad. — sa panayam ng Ratsada Balita.