Naghahanda na ang National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) para sa parating na bagyo sa bansa.
Ayon kay NDRRMC spokesperson ASEC. Bernardo Rafaelito Alejandro, nakalatag na ang Memorandum para gawin ang kanilang mga kinakailangang paghahanda
Inatasan na ng ahensya ang kanilang mga regional office sa lalawigan ng south eastern seaboards at magkasa ng pre-disaster risk assessment sa mga apektadong lugar upang maiwasan ang pinsala.
Ito’y kasabay sa inaasahang bagyo at binabantayang Low Pressure Area (LPA) sa Hinatuan, Surigao del Sur.
Batay sa datos ng PAGASA, maaring maging ganap na bagyo ang LPA na papangalanang Rosal. —sa panulat ni Jenn Patrolla