Handa na ang mga kinauukulang ahensya sa nakaambang emergency situations dulot nang tumitinding aktibidad ng bulkang Mayon.
Tiniyak ito ni National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Spokesperson Mina Marasigan sakaling lumala ang sitwasyon.
Binigyang diin pa ni Marasigan na may kakayahan ang NDRRMC na rumesponde sakaling tumagal ng ilang linggo ang pag-aalburuto ng bulkang Mayon.
Ipinabatid ni Marasigan na pinakilos na ang lahat ng kinauukulang ahensya tulad ng Philippine National Police o PNP, Department of Social Welfare and Development o DSWD at Bureau of Fire Protection o BFP para magbigay ng ayuda kaugnay sa sitwasyong dulot ng nasabing bulkan.
‘Albay PNP’
Mahigpit na binabantayan ng Albay Police Provincial Office ang six-kilometer radius permanent danger zone.
Bahagi nito ayon kay Albay Police Spokesman Chief Inspector Arthur Gomez ang binuo nilang chokepoints sa mga apektadong lugar para hindi makalusot ang ilang residenteng nagpupumilit pa ring makapasok sa nasabing danger zone.
Gayunman, ilan sa mga residente ang pinapayagan ng mga opisyal na makapasok sa 7 at 8 kilometer extended danger zone para makakuha ng gulay.
‘Class suspensions’
Samantala, suspendido ang klase sa mga lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at ilang bayan sa Sorsgon ngayong araw na ito.
Kasunod na rin ito nang inisyung orange warning level ng PAGASA sa mga nabanggit na lugar.
Inaasahan na ang pagbaha at landslides sa mga maba ba bang lugar dahil sa matinding pag-ulan dulot ng buntot ng cold front.
—-