Itaas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang blue alert ngayong araw dahil sa bagyong Usman.
Ayon sa NDRRMC, ang blue ang siyang ikalawang pinakamataas na alerto na magtatalaga sa mga NDRRMC personnel na mag monitor sa anomang posibleng epekto ng bagyo at maayos na koordinasyon sa iba pang ahensya ng gobyerno.
Kabilang sa tututukan ay ang mga landslide areas na posibleng maapektuhan ng bagyo gaya ng Quezon, Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Sorsogon, Aklan, Atique, Eastern Samar at Northern Samar.
Sa huling pagtaya ng PAGASA, posibleng lumakas ang bagyong Usman at maging tropical storm bago mag – landfall sa Eastern Samar sa Biyernes.