Nananatili sa blue alert ang National Disaster Risk Reduction Management Council o NDRRMC sa harap ng patuloy na pag-ulang dala ng habagat.
Sa harap na rin ito ng pagpasok ng panibagong bagyo na inaasahang magdadala rin ng mga pag ulan.
Ayon kay Undersecretary Ricardo Jalad, Executive Director ng NDRRMC, sa pamamagitan ng tamang advisory sa tamang oras at tamang lugar ay maiiwasan ang malaking pinsala at disgrasya.
Sa ngayon ay patuloy aniya ang 24-oras na monitoring ng kanilang regional offices sa mga lalawigan na madalas malubog sa baha sa panahon ng malakas na ulan.
Ayon kay Jalad, patuloy ang ginagawa nilang pagrepaso sa bawat disaster risk reduction plan ng mga local government units.
Katulad aniya sa Marikina City, mayroon na itong nakahandang evacuation protocol sa tuwing umaapaw ang Marikina River.
—-